Naranasan mo na bang mag lakad ng mag isa sa campus? Mag masid masid sa paligid na tila hinahanap ang iyong sarili? Sa campus, makaka kilala ka ng ibat ibang uri ng tao. Makakasalamuha mo ang mga hindi pangkaraniwang uri ng tao na masasabi mong minsan ka lang makakakita ng mga ganoong nilalang.
Sa campus, may makikita ka na tila lagi nasa isang sulok, tanging ang kanyang mga libro at iba pang gamit ang laging kasa kasama. Yung taong palaging tahimik, bilang lamang ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga bibig na animoy pipe at tila nag iisa sa buhay, pero genius sa klase.
Sa campus, malayo palamang ay maririnig mo na ang kanyang boses na animoy pinag sama samang ingay ng mga makinarya at tunong ng mga sasakyan sa kalye. Yung taong walang paki alam sa kanyang paligid. Yan ang taong puro lamang "dada" sa buhay, ngunit pag dating sa klase ay wala namang laman ang kokote.
Sa campus, may maririnig kang mga yabag na animoy galing sa isang malaki at kinatatakutang halimaw. Siya ang kinatatakutan ng mga taong mahihina at walang kaibigan. Walang ibang alam gawin kung hindi alilain, pahirapan at saktan ang mga kapwang hindi marunong lumaban. Yan ang "bully at war freak" ng campus. Karaniwang malaki ang katawan, Mayabang at Malaki ang boses.
Sa campus, Hindi mawawala ang taong ubod sa kawirdohan. May masagwang pananamit, baduy na ayos at may sariling mundo. Siya ang taong madalas suki sa trip. Dahil nga sa kawirdohan, madalas mapag tripan ng mga taong mas nakakataas ang pag iisip sa kanya. Naiiba ang ayos sa karamihan at malayo ang pag iisip mula sa tunay na mundo.
Sa campus, kung mayroong pasaway... syempre may masasabi din talaga tayong "almost perfect". Pag dadaan siya, May magandang ngiti, May mabangong amoy, may magandang mukha at maayos na pananamit. Siya ang Famous ng campus. San' mo man i-bida, siguradong taob sila. Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla " Nasa'yo na ang lahat".
Sa campus, talaga namang masasabi nating, napaka liit ng mundo. Biruin mo, sa isang campus, makikilala mo na at makakasalamuha mo pa ang iba't ibang uri ng tao. Tanggapin natin na sa buhay, may iba't iba tayong paniniwala, pamamaraan kung paano tayo mabubuhay at may kanya kanya tayong istilo kung paano natin mapapakita ang tunay na tayo. Kaya nga may salitang "Respeto", kung gusto mong irespeto ka ng iba, matuto karing rumespeto sa iyong kapwa, yang ang palaging sabi nila. Tao lamang tayo, nilikaha ng may pantay pantay, may sariling kakayahan at kapasidad sa buhay. Kaya sino sino paba ang mag tutulungan at mag gagalangan? Tayo rin diba?
-Emerjames "Ems" Dimayuga Carpio
#Emsdii<3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento