Sa panahon ngayon, bihira nalang tayo makakakita ng mga taong hindi parin nakakalimot na tumulong sa kanilang kapwa. 'Na meron parin silang "instinct" na tumulong. NGayon, marami sa mga tumutulong sa mga mahihirap ay mga pulitiko na naaalala lang tumulong kapag may parating na eleksyon. Ngayon, gulangan na pagdating sa kahit saan. Madalas, puro sarili nalang ang iniintindi.
Nabalitaan ko ang dalawang babae na to sa EDSA na makikita sa piktyur.
Nagbigay sila ng libreng tubig sa mga commuter na halos apat na oras umanong nag lalakad para lang makauwi sa kanilang tahanan para makapag pahinga at makasama ang pamilya. Alam naman natin kung ano ang dahilan ng naging trapik sa EDSA. Dahil malapit lang ang bahay nila doon, naisipan nilang tumulong sa kahit na maliit na paraan. Tulad ng pagbibigay ng libreng tubig.
Mabuti nalang may natitira pang mabubuting loob dito sa komunidad natin. Hindi nalang puro makasariling grupo ng mga tao, tapos may pulitiko pang kumakampi sa kapwa nila makasarili para lang sa makukuhang pakinabang. Marahil kakaunti nalang ang mabubuting tao dito sa mundo. Pero ang mahalaga, kahit papaano ay meron pa.
Isinulat ni Cleeve Gian Sangco
Abcomm2.1a
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento