Tayong mga pinoy ay nakasanayan na ang pagkain sa hapon,
para mapawi ang pagod at magkarga ulit ng lakas para sa pagpapatuloy ng kayod
mapatrabaho man o mapaeskwela. Maraming klase ng pagkain ang mga Pilipino na
napagsasaluhan sa tuwing merienda time
na. minsan pa’y nakadependa pa sa sitwasyon ng panahon kung ano ang kakain
natin. At ito ang mga halimbawa ng mga merienda na pinagsasaluhan nating mga
pinoy.
Banana Cue
Kapag hindi gaano mainit ang panahon ay ito ang mga pagkaing
pang merienda ang hinahanap ng ating mga tyan.
Ang Banana cue ang isa sa pinaka popular na merienda sa pinas ang babana cue ay saging na niluto sa mantika na may kasamang asukal para mas malasahan ang sarap nito. Hindi ka pinoy kung hindi mo pa ito natitikman.
Ang Banana cue ang isa sa pinaka popular na merienda sa pinas ang babana cue ay saging na niluto sa mantika na may kasamang asukal para mas malasahan ang sarap nito. Hindi ka pinoy kung hindi mo pa ito natitikman.
Kamote Cue
Katulad ng babana cue niluluto din to sa mantika na
sinasamahan din ng asukal para mas lumabas ang sarap nito. Madalas na magkasamang tinitinda ang banana
cue at kamote cue sa kahit saan.
Turon
Isa ang turon sa paborito kong merienda dahil ang lasa ng
wrapper na may asukal at saging ay swak na swak. Nakakagutom ang lutong ng
wrapper na halos kakaahon lang sa mainit na mantika. Isa ito sa masasabing kong
pinakamasarap na merienda na natikman ko.
At kapag napaka init na ng panahon at pumatak na ang summer
eto ang mga merienda na maeenjoy mong kainin sa init ng panahon.
Halo-halo
Halo-halo ang pinaka sikat na pantanggal uhaw ng karamihan satin di naman mapagkakaila
na napaka sarap nito dahil nagaagaw ang tamis at magatas na lasa nito at ang
lamig ay nakakawala talaga ng init. Madalas na sangkap sa halo-halo ay yelo, asukal,
beans, nata, saging, pinipig, sago, gulaman, manga, langka at ube. May iba na nilalagyan
din to ng ice cream o leche flan.
Saging con yelo
Isa rin ang saging con yelo sa sikat sa panlasa nating mga
pinoy kahit na saging na pinakuluan sa asukal, yelo at gatas lamang ito ang
sarap nito ay di biro at mabisa din itong pansala ng ating mga uhaw.
Sorbetes
Lahat tayo ay pamilyar dito similar lang ito sa ice cream
ngunit Filipino style ang pagkakagawa, unang lumabas ang sorbetes noon pang 1920s
at hanggang ngayon ay minamahal pa rin nating mga pinoy. Hanggang ngayon
may makikita ka pa ring nagtitinda nito at kadalasan ay malapit sa mga
eskwelahan. Swak din itong pantanggal ng init sa ating mga katawan.
At kapag malamig naman at tagulan narito ang ilang patok na
merienda maeenjoy mo talaga.
Ginataang halo-halo
Isa ang ginataang halo halo sa patok na merienda kapag
tagulan ang kadalasan na sangkap nito ay
Gata, tubig, asukal, galapong, sago, kamote, saging, langka
at ube. Ang lasa ng pinagsama samang sangkap ang nagpalabas lalo ng sarap nito.
Maiinitan na ang katawan mo mabubusog ka pa sa sarap nito.
Ginataang tutong/ mais
Pareho lamang ang proseso ng dalawang ginataan na ito ngunit
ang sarap ay magkaiba. Ang sangkap ng mais ay bigas na malagkit, gata, tubig, asukal,
at ganun din ang sa ginataang tutong. Ang mga ito ang makakaalis ng lamig sa
katawan nyo.
Sadyang likas na nga sa ating mga pinoy ang palakain.
Di na rin natin ito maiiwasan lalo na’t pag tayo’y puspusan sa pagaaral o subsob tayo sa trabaho, sa sobrang pagod na nararamdaman natin ay din na maiiwasang magutom para na din bumalik ang lakas na nawala sa magdamang pagkayod. Basta lagi lang tatandaan na maghinay hinay lamang sa pagkain dahil lahat ng sobra ay nakakasama sa ating katawan.
Di na rin natin ito maiiwasan lalo na’t pag tayo’y puspusan sa pagaaral o subsob tayo sa trabaho, sa sobrang pagod na nararamdaman natin ay din na maiiwasang magutom para na din bumalik ang lakas na nawala sa magdamang pagkayod. Basta lagi lang tatandaan na maghinay hinay lamang sa pagkain dahil lahat ng sobra ay nakakasama sa ating katawan.
Celina Suan ♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento