Lunes, Setyembre 14, 2015

Sobre






Taong grasa, Batang nasa ilalim ng grupo ng mga sindikato, Namamalimos, at mga pagala galang tao. Isa ito sa mga larawan ng mga taong pinagkaitan ng magandang kapalaran.



Papuntang Pala-pala, sa gitna ng kalsada, Isang bata ang pumukaw sa aking mga mata. Isang bata ang nag abot ng sobreng puti “HIHINGI PO LAMANG NG KAUNTING TULONG AT BARIYA, PANGKAEN LAMANG PO”- ito ang nakasulat sa sobreng iniabot nya sa akin. May isang taong tumingin sa akin habang ako ay dumudukot ng bariya para bang gusto nya kong pigilan sa aking ginagawa. Naisip ko tuloy ano nga baa ng kwento sa likod ng mga sobreng ito.


Tinitignan silang abusado sa kalsada. Mga batang nagpapaawa sa para kumita ng pera. Hinuhusgahan na pinangbibsyo nila ang kinikitang pera. Naisip ba natin pano kung nasa ilalim sila ng kamay ng mga sindikato, walang kalayaan at kontrolado ng ibang tao. Wala silang makitang ibang paraan para magkaroon ng maayos na pamumuhay. Tao lang sila, walang tao ang gugustuhin na maging mala impyerno ang buhay. Maging bukas ang ating isip. Maging masaya tayo na nakakapagbigay tayo sa ibang tao. Maswerte ka dahil mas pinagpala ka kesa sa kanila. May mga taong walang matirahan, walang pagkaing pinagsasaluhan, at may mga kabataang di nakakapag-aral. Mapalad ka! Nagkaroon ka ng pagkakataon na makuha at masunod ang gusto mo. Nakapagaral sa magandang iskwelahan. Nakakain sa oras, tatlo o higit pang beses sa isang araw. Wag natin silang husgahan. Tulungan at bigyan natin sila ng pag-asa sa paraang abot ng ating makakaya.
-Vannica Grace Encabo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento