Lunes, Setyembre 14, 2015

Paperless B.O.C

"Bawal ang Red Tape." ito ang mga katagang kadalasang nakapaskil sa mga ahensya ng gobyerno na laging mahaba ang pila dahil sa usad pagong na pagproseso ng mga papeles. 21st Century na , lahat ng bagay "is just a click away". May balak na ngang palagyan ng free wi-fi ang buong kamaynilaan, pero ang Bureau of Customs tila ata napagiiwanan?

Isa na ata sa pinaka madaming "under the table" transactions ang customs. Napanood ko nga sa isang dokumentaryo na mas mabilis ang proseso ng mga bagay bagay kahit na kontrabando pa ito basta sa "TARA system " ito dadaan . "TARA" ito ang tawag sa suhol na na ibinibigay sa mga tiwaling Custom Officers para mapabilis ang proseso.Karaniwang inaabot ng ilang linggo o buwan ang pagproseso ng mga papeles para sa kargamento pero sa "TARA system" mabilis pa sa kisap ng mata .Marahil magastos pero mabilis ant praktikal.

"Kaya hindi umuunlad ang mga pilipino."Isa to sa mga linya na hindi ko malilimutan sa paborito kong libro ni Bob Ong  "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino".

Sa sobrang bagal ng pagproseso ng ahensyang ito, ay inaabot na ng taon sa pier ang mga kargamento na naging sanhi ng "port congestion".Kaya nauso ang truck ban sa kamaynilaan.at nadedelay ang balikbayan boxes na galing sa ating mga OFW .Kamakailan lang ay ,may isyu ang custom tungkol sa mga balikbayan boxes.

Paperless Bureau of Customs , magandang pagbabago; isang magandang proyekto para mangurakot ang mga opisyal ng depatamentong ito. Baka "ZTE-broadband Scam v2.0" ang mangyare sa automation na magaganap, huwag naman sana.





                              Nerilynn Porras Panes        ABCOMM2.1A
                                               "looking for changes"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento